Kapatid

Naaalala mo pa ba nung mga bata pa kayo ?, lagi kayong nagtutuksuhan sa maraming bagay. Kadalasan nga nauuwi ito sa away at iniisip mo na siya na yung worst enemy mo ng panahon na yun diba? Kung minsan ay iniisip mo na siya ang kahati mo sa materyal na bagay, pagmamahal at atensyon ng magulang mo ngunit dumating ka sa point na narealize mo na ang sarap pala magkaroon ng kapatid. Habang lumalaki kayo, nagiging close na kayo sa isa’t-isa. Siya na yung tagapagtanggol mo kapag may nang-aapi sayo sa iskul, tagasundo , tagapayo, kakwentuhan  at kung minsan nga ay kasama pa sa mga kalokohan mo . Bestfriend mo, kabarkada, kaibigan at kapatid mo pa. All in one na!!! Diba ang sarap isipin na mayroong tao na higit na nakakakilala sayo at hindi ka basta iiwan . Yung mga kaibigan mo, andyan lang yan pero masasabi mo ba na hindi ka nila iiwan??? Normal sa magkapatid ang magkatampuhan at mag-away pero sa huli , maniwala ka man o hindi, kayo pa din ang magtutulungan. Kaya sa may mga kapatid dyan, ano man ang tawag mo sa kanila/kanya,utol, ate, kuya, bro, sister. Payo ko sa inyo, magmahalan kayo kasi sa oras na mawala yan,sigurado ako,mamimiss mo din yan.                                                                                       

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang isang pamilya.

Magulang